Tuesday, April 12
Wednesday, April 6
diplomatic harmony: isang magandang pangitain
galing sa LJ ni Mando . para sa karagdagang detalye, pumunta sa matanglawin.org
------------------------------------------------------------------------------------------
Isang proyekto ng Matanglawin at
Sanggunian ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Ateneo de Manila
Sigaw ng mga Mag-aaral ng Ateneo: Tutulan ang Dagdag VAT!!!
ANO? Rally at Programa laban sa Dagdag VAT
KAILAN? 11 Abril 2005, 11AM
SAAN? West Parking Lot (Assembly)
SINO? Inaanyayahan ang lahat ng kasapi ng komunidad ng Ateneo (Mag-aaral, Faculty&Staff, Workers, Student Groups)
PAANO? Magkikita tayo sa West Parking Lot sa ganap na 11AM
IBANG DETALYE:
Magsuot ng PUTI.
Magdala ng panlaban sa init.
Magdala ng mga tula, pahayag, awit, instrumentong pangmusika para sa programa matapos ng rally. Para sa mga nais makibahagi sa programa, ipagbigay alam sa Sanggu (09177408236) o Matanglawin (09209265963).
Gaganapin ang programa sa service road sa loob ng Ateneo na malapit sa Katipunan. Magsisilbing entablado ang isang pick-up at mikoropono naman ang mga megaphone.
Dumaan sa Gonzaga 206 Publications Room sa umaga kung nais tumulong sa paggawa ng mga placards na gagamitin sa rally.
HB 3555: Dagdag VAT mula 10% hanggang 12%Kahit hindi sakop ng dagdag VAT ang sardinas at instant noodles, hindi maikakaila na apektado pa rin ang mamamayang Pilipino, mayaman man o mahirap. Dahil sa dagdag buwis na ito, napipinto ang pagtaas ng halaga ng mga pangunahing pangangailangan ng bawat Pilipino, tulad ng pagkain at pananamit. Hindi rin ligtas sa dagdag VAT ang mga kagamitan sa paaralan tulad ng libro, papel at iba pa. Kaya naman bilang mga mamayang Pilipino at bilang mga mag-aaral ng Pamantasang Ateneo de Manila, kailangang tutulan ang panukalang dagdagan pa ang VAT dahil hindi ito sumasang-ayon sa layunin ng administrasyong Gloria Macapagal-Arroyo na maiahon ang kabuhayan ng mga Pilipino. Bagkus, pinalalala pa nito ang suliranin ng kahirapan.Hindi kulang ang binibigay na buwis ng mga mamamayang Pilipino. Hindi lamang maayos ang sistema ng pamahalaan hinggil sa pangongolekta ng buwis. Marami pa ring nakatatakas sa pagbayad ng tamang buwis kung kaya't ang sistema mismo ang dapat baguhin at hindi ang halaga ng buwis na kailangang bayaran ng bawat Pilipino.
Inaanyayahan ang lahat ng Atenista na makiisa sa labang ito!